57

Oct 12, 2017 @ 17:43

Prusisyon kontra EJK lalarga sa Nobyembre

Maglulunsad ng prusisyon ang Simbahang Katoliko laban sa extrajudicial killings sa EDSA ang Simbahang Katoliko.

Sa kanyang statement, sinabi ni Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) President Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na gagawin ang prusisyon sa November 5 pagkatapos ng misang idaraos sa EDSA Shrine, alas tres ng hapon, sa nabanggit ding araw.

Ang aktibidad na ito ay tinawag na “Lord Heal our Land Sunday.”

Magiging tampok sa candlelight procession ang imahe ni Our Lady of Fatima na binitbit ng mga debotong Katoliko sa EDSA nang sumiklab ang People Power Revolution noong 1986.

“After the Mass, the image of Our Lady of Fatima that was brought by devotees to EDSA in the 1986 People Power revolt will be brought in a candlelight procession to the People Power monument a kilometer away from the EDSA Shrine.. We believe that our national healing, which only the Lord can grant, will come to us through the hands of His mother,” ang bahagi ng pahayag ni Archbishop Villegas.

Sa kapareho ring araw ay sisimulan ang 33-araw na pagdarasal na tatagal hanggang December 8 bilang hudyat ng pagsisimula ng paghilom.

Sa loob ng 33 araw, hinihiling ni Villegas ang pagdarasal ng rosaryo at pagtanggap ng Holy Communion para sa paghilom ng sugat ng bansa at para sa kaluluwa ng mga biktima ng EJK.

“We are inviting the men and women in consecrated life, the youth and their teachers, the poor and the rich, the healthy and the persons with disability, the laborers and the entrepreneurs, the police and the military, the majority and minority political parties, in other words EVERYBODY, to join this observance of the “Lord Heal our Land Sunday,” dagdag ni Villegas. (Maricel Diaz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?