78

May 1, 2019 @ 16:16
By

PRURide UCI 2.2 Stage Race haharurot sa Subic

Para sa pagpapatuloy ng PRURide PH 2019, dadayo ang mga local at international cyclists sa Subic sa karerahan na papadyak sa Mayo 24-26 para second leg.

Ayon kay Pru Life UK senior vice president Allan Tumbaga, ika-classify ang event bilang 2.2 stage race ng Union Cycliste Internationale (UCI).

Ibinahagi ni race organizer Jeremy Go sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum nitong Martes sa Amelie Hotel, Maynila na ilan sa mga rider mula Malaysia, Singapore, Uzbekistan, Vietnam, Thailand, Indonesia, Australia, Hong Kong at South Korea ay sasali sa three-day event.

Hindi rin mawawala ang mga local cyclist mula sa Standard Insurance, Go for Gold at 711 na may tsansang makakuha ng mga puntos upang mag-qualify sa 2020 Tokyo Olympics.

Kasalukuyang nasa ika-41 na pwesto ngayon ang bansa papasok sa PruRide event.

Present din sa forum sina Pinoy riders Marcelo Felipe at Dominic Perez ng 711, Ronnel Hualda ng Go for Gold at Jermyn Prado at Jan Paul Morales ng Philippine Navy.

“This race is very important for Filipino riders because certain points are awarded to stage winners and the top overall finishers,” pahayag ni race consultant Rick Rodriguez.

“It’s very difficult to qualify to the Olympics where only the top 130 male riders and 67 female riders will qualify in the road race. And they must all come from the top 50 countries.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?