152
coa
Aug 27, 2018 @ 16:16

Proyekto ng mga party-list groups, i-audit – transparency group

Dahil kaduda-duda ang ilang kinatawan ng sektor ng mahihirap, nanawagan ang isang group sa Commission on Audit (COA) na suriin ang ilang proyekto at panukala ng mga ito.

Ginawa ng grupong Pinoy Aksyon for Governance and the Environment o Pinoy Aksyon ang panawagan kasunod ng pagboto ng tinatawag na party list sa Kamara kung saan 42 sa kanila ang bumoto pabor sa pagluklok kay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo bilang bagong House Speaker kapalit ni Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez noong Hunyo.

Kasalukuyang may 59 party list representatives sa Kamara.

“The party-list groups have become a power in the house. While a good sign, the people needs to be assured they are serving the poor and the marginalized which is the essence of the party-list system,” sabi ng grupo.

Paniwala ng mga ito, may ilang party list organizations ay talagang ‘dummies’ ng ilang political dynasties sa bansa.

“We think it is high time to assess the performance of these party list organizations and at the same time all legal remedies must be undertaken to purge the list of party-list groups from fake representatives of the poor and marginalized,” ayon kay Alberto Vicente, spokesperson ng Pinoy Aksyon.

Mas mainam aniyang tingnan ng House ethics o health committee ang ilang mga produktong ginagamit ng mga ito sa kanilang health, dental at optical missions.

“Baka naman instead na maka lunas sa may problema sa paningin, baka ma’dengvaxia’ ang mga mata ng beneficiaries,” sabi ni Vicente.

“Worse, this scions are behaving badly, using the influence, power and public resources that comes with their congressional seats,” dagdag pa nito.

Ayon pa sa grupo, kanilang tutukan ang perforamnce ng mga party list groups lalo na iyong halatang hindi kumakatawan sa mahihirap o iyong nasa marginalized sector.

“The party list system may likely continue even with charter change. The draft even wants to increase the number of seats, from the current 20% of the House to 40%,” sabi pa ng Pinoy Aksyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?