17

Mar 27, 2021 @ 21:02

Provisional toll rates sa Skyway 3, inaprub ng TRB

Inaprubahan ng Toll Regulatory Board (TRB) ang provisional toll rates para sa Metro Manila Skyway Stage 3 Project.

Ang Skyway 3 ay elevated highway na nagkokonekta sa North Luzon Expressway (NLEX) at South Luzon Expressway (SLEX).

Batay sa toll rates na inaprubahan, magbabayad ang mga Class 1 vehicle ng P105 kung dumaan sila mula Buendia patungong Sta. Mesa.

Ang mga Class 1 vehicle naman na magbibiyahe mula sa Sta. Mesa patungong Ramon Magsaysay ay kailangang magbayad ng P30.

Ang mga tatawid naman mula Ramon Magsaysay patungong NLEX Balintawak ay kailangang magbayad ng P129 habang ang mga motorista na magbibiyahe mula Buendia hanggang NLEX Balintawak ay magbabayad ng P264.

Doble ng mga nabanggit na toll rates ang babayaran ng mga Class 2 vehicle habang triple sa mga Class 3 vehicle.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?