13
binay
By

Provisional license para sa Boracay casino, kanselahin na – Binay

Sharing is caring!

Iginiit ni Senadora Nancy Binay sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na bawiin na ang provisional license na ibinigay nito sa Chinese casino operator na balak magtayo ng casino hotel sa Boracay Island.

Ayon sa senadora, na chairman ng Senate Committee on Tourism, ito ang bubura sa mga espekulasyon na para sa pagtatayo ng Boracay ang rehabilitasyon ng isla.

Ipinunto na mismong si Pangulong Duterte na ang nagsabi na hindi pagtatayuan ng casino ang isla.

Una nang inihayag ng Pagcor na matutuloy ang casino sa Boracay na pagsososyohan umano ng Galaxy Entertainment Group at Leisure and Resorts World Corporation.

Samantala’y kinalampag na rin ni Binay ang mga ahensya na mangunguna sa rehabilitasyon ng Boracay na maglabas na ng masterplan para maibangon ang isla.

Isang linggo na lang bago ang pagsasara ng isla na itinakda sa Abril 26, hindi pa aniya malinaw ang plano kung paano lilinisin ang isla at kung paano tutulungan ang mga negosyante at mga residenteng maaapektuhan ng rehabilitasyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?