17
mmda-rerouting
By

Provincial buses lilimitahan sa Edsa – MMDA

Sharing is caring!

SIMULA sa darating na Hulyo 15, lilimitahan na ang pagbiyahe ng mga provincial buses sa EDSA.

Sa pahayag ng MMDA, mula ala-5 hanggang alas-10 ng umaga ay hindi maaring bumiyahe sa magkabilang panig ng EDSA mula Pasay City hanggang Cubao, Quezon ang lahat ng provincial buses.

Ang bus ban ay ipapatupad din tuwing alas-4 ng hapon hanggang alas-9 ng gabi.

Sinabi ni MMDA Gen Manager Jojo Garcia ang mga provincial buses na galing ng South Luzon ay hanggang Pasay City lang tuwing umiiral ang bus ban.

Samantala, mga provincial buses na galing Central at Northern Luzon ay hanggang Cubao lang.

Ayon sa opisyal ang mga maapektuhang bus ay exempted na sa number-coding scheme.

Ayon kay Garcia inaasahan nila na aabot sa 2,000 bus ang mababawas sa EDSA at ang mga lalabag ay pagmumultahin ng P2,000.

Inaprubahan na ng Metro Manila Council ang resolusyon ukol sa bus ban. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?