76

Jan 27, 2021 @ 11:38
By

Protocols para sa mga papasok sa PH binago ng IATF

Naglabas ng bagong testing at quarantine protocols ang gobyerno para sa lahat ng mga pasaherong pinapayagang makapasok sa bansa.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na simula Pebrero 1, lahat ng mga darating na pasahero sa bansa ay agad dadalhin sa facility-based quarantine na itinalaga ng gobyerno.

Makalipas ng limang araw ay saka lamang isasailalim sa RT-PCR test ang mga ito , maliban na lamang kung nagpakita ng sintomas ng COVID pagdating kaagad sa bansa.

Taliwas ito sa unang ginagawa na pagdating pa lamang sa airport ng mga pasahero, maging ang mga ito ay Pilipino o dayuhan ay agad na isasalang sa swab test.

Kapag negatibo ang COVID test, ang pasahero ay agad i-endorso sa local government unit na magiging destinasyon nito at doon ipagpapatuloy ang natitirang araw ng kanyang 14-day quarantine.

“Once a passenger tested negative, the passenger shall be endorsed to the local government unit of destination where the passenger shall continue the remainder of the 14-day quarantine under the strict monitoring of the LGU,” ani Roque.

Sinabi ng kalihim na mahigpit na oobserbahan ang pasahero alinsunod sa ipinaiiral na patakaran ng Philippine Society for Microbiology ng Department of Health.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?