15

Feb 26, 2021 @ 13:38

Protocol sa drug ops ‘di sinusunod ng pulis – DOJ

Pinabatid ni DOJ Secretary Menardo Guevarra sa United Nations Human Rights Council (UNHRC) na hindi nasusunod ng otoridad ang standard protocol sa mga operasyon kontra droga kung saan may nasawing indibidwal.

Sabi ng kalihim, sa ika-46 Human Rights Council Session ng UNHRC noong Miyerkoles ng hapon, kinukumpirma aniya ng kanilang paunang findings na sa karamihan sa mga kasong ito, ginigiit ng otoridad na nanlaban o sumubok na mamaril din ang target ng anti-drug operations.

“Yet no full examination of the weapon recovered was conducted, no verification of its ownership undertaken and no request for ballistic examination or paraffin test was pursued until its completion,” aniya.

“In more than half of the records reviewed, the law enforcement agents involved failed to follow standard protocols pertaining to coordination with other agencies and processing of the crime scene,” dagdag ni Guevarra.

Sa ngayon, ang review panel ay nakalikom ng datos mula pa lang sa Bulacan, kabilang ang San Jose del Monte City; Pampanga, kabilang ang Angeles City; Cavite, kabilang ang Bacoor City, at ilang bahagi ng Metro Manila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?