132

Aug 20, 2019 @ 10:38
By

Protesta sa iba’t ibang UP campus lalarga ngayon

Magsusuot ng itim at magmamartsa ngayong araw ang mga estudyante sa iba’t ibang campus ng Unibersidad ng Pilipinas (UP) laban sa mga mala-“martial law” umanong panukala ng ilang mambabatas tulad ng pagpapapasok sa pulis at militar sa pamantasan at Anti-Subversion Law.

Tinaguriang “UP Day of Walkout and Action” ang Agosto 20 kung saan magwo-walkout o liliban sa klase ang mga mag-aaral upang depensahan umano ang pang-akademikong kalayaan sa pag-oorganisa at pagpoprotesta, at igiit ang pagkundena nila sa mga nabanggit na panukala.

Sa ilalim ng Anti-Subversion Law of 1957, makukulong ang sinumang magiging miyembro ng Communist Party of the Philippines (CPP). Tatlong dekada na mula nang ipawalang-bisa ito ni dating pangulong Fidel Ramos upang bigyang-daan ang usapang pangkapayapaan sa CPP.

Ayon kay UP Student Regent John Isaac Punzalan, inaasahang nasa 1,500 miyembro ng UP community ang dadalo sa UP Diliman campus.

Mula sa UP ay tutungo sa hapon ang mga ito sa Mendiola, at sa Liwasang Bonifacio kung saan isasabay ang “Araw ng Pagluluksa” para sa mga pinatay na magsasaka

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?