7

Jul 22, 2020 @ 21:06
By

Protektor ni Apolinario sa PNP, AFP, gobyerno tutukuyin

Magtatatag ng isang Special Investigation Task Group (SITG) ang Philippine National Police (PNP) para malaman kung sino-sinong mga opisyal ng pulisya, military at gobyerno ang tumutulong sa inarestong Kabos Padatoon o Kapa Community Ministry founder Joel Aapolinario na ilang buwan ding pinaghahanap dahil sa mga kasong large-scale at syndicated estafa.

“The special task group is also there to investigate kung sino yong mga kasali dito.Yong sinasabi nila na members ng hindi lang ng kapulisan or ng AFP [Armed Forces of the Philippines], Lahat ng member ng gobyerno and probably through the interview we are going to conduct on the 23 personalities that you have apprehended then baka puwede sila magsalita to help us on this and then,” pahayag ni PNP Director General Archie Gamboa sa isinagawang online press briefing hinggil sa pagkakahuli kay Apolinario.

“Kung meron man mga kasamang mga nasa gobyerno and evidence warrant that cases may be filed against them then we do so,” dagdag pa ng opisyal.

Bukod sa mga kasabwat na mga opisyal ng pulis, militar, at tao ng gobyerno ay iimbestigahan din aniya ng SITG ang mga reklamong isasampa laban kay Apolinario.

“So siguro para naman kasi I don’t know if what agency who is going to take charge but since medyo tayo na ang nauna we will just create a special task group purposely first to take care of all the complainants and the possiblity of facilitating their claims over attached but of course this is a legal procedure pero siguro we take charge of this para naman meron man puwede i-claim yung mga na swindle niya dati then at least meron tayo, we just put things in order,” paliwanag ni Gamboa.

Samantala, pinuri rin ni Gamboa ang Police Regional Office (PRO) 13 o Caraga Region sa pangunguna ng regional director Brig. Gen. Joselito Esquivel Jr sa pagkakahuli kay Apolinario.

Ayon kay Gamboa, matagal nang minamanmanan ng pulisya ang mga galaw ni Apolinario matapos itong magtago dahil sa inilabas na warrant of arrest ng korte laban sa kanya para sa mga kasong large-scale at syndicated estafa.

Nitong Martes ng umaga nang maaresto si Apolinario kasama ang 23 iba pa matapos ang isinagawang operasyon ng pulisya sa isang liblib na resort sa Sitio Dahican, Barangay Handamayan, Lingig, Surigao del Sur.

Hindi naging madali ang pagdakip kay Apolinario matapos na makipagbarilan sa pulisya ang private army nito kung saan dalawa sa kanila ang nasawi at isa ang sugatan.

Nasamsam din ng mga awtoridad sa pinagtataguan nina Apolinario ang 46 high-powered firearm at mga bala nito

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?