ofw
By

Proteksiyon para sa OFWs sa Kuwait, aayusin na – DFA

Sharing is caring!

UMAASA si Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano na mapa-plantsa na ang naging gusot sa relasyon ng Pilipinas at Kuwait dahil sa mga pang-aabuso sa mga Filipino domestic household workers.

Sa Huwebes at Biyernes ay makikipag usap ang mga opisyal ng DFA sa 8-member Kuwaiti delegation na darating sa bansa para sa negosasyon sa itinutulak na “Agreement on Domestic Workers’ Recruitment, Employment, and Protection.”

Sinabi ni Cayetano na umaasa sila ni Labor Sec. Silvestre Bello III na ang magiging kasunduan ang magiging garantiya ng proteksyon ng mga OFWs sa Kuwait.

Pansin lang nito na napakarami ng bilateral labor agreements ang Pilipinas sa ibang bansa ngunit hindi naman epektibong naipapatupad.

Aniya, gusto ni Pangulong Rodrigo Duterte na maging iba ang kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait.

Una nang nakuha ni Cayetano ang pangako ng gobyerno ng Kuwait sa ilang isyu ukol sa OFWs, kasama na ang minimum na buwanang sahod na KD 120, walong oras na pahinga, mananaliti sa OFW ang kanilang passports, pati mobile phones at hindi sila maaring pagtrabahuhin sa ibang pamilya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?