54

Jun 5, 2020 @ 19:07
By

Proseso ng travel authority mas madali na — Eleazar

Kung dati nakadepende pa sa destinasyon ang pagkukunan ng travel authority, ngayon ay puwede nang magtungo ang mga nangangailangan nito sa pinakamalapit na police station.

Ito’y matapos bigyan ng awtoridad ang chiefs of police at station commanders na maglabas ng ‘travel authority’ upang mapadali ang ‘movement’ ng mga stranded at mga may medical emergencies.

Sinabi ni JTF COVID Shield commander Police Lt. Gen. Guillermo Eleazar na pwede nang magtungo ang mga nangangailangan ng travel authority sa pinakamalapit na police station, dala ang kanilang Medical Clearance Certificate mula sa City o Municipal Health Office.

“Our Chief PNP General Gamboa wants to simplify everything for those who really need to travel. He delegated the power to issue Travel Authority purposely to make it more accessible for all our kababayan in any part of the country. So our kababayan can now go to the nearest police station in their localities to get a Travel Authority,” ayon kay Eleazar.

Maaaring kunin ang travel authority sa help desk sa police stations o ipadala sa e-mail at iba pang messaging apps ng aplikante.

Sa datos, nasa 57,000 travel authorities na ang napamahagi sa mga stranded at may emergencies.

Bukas din aniya ang PNP Helpline 16677 at JTF COVID Shield hotlines para sa mga may katanungan at iba pang concern.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?