By

Propaganda sa Cha-cha, federalism paingayin – Zubiri

Sharing is caring!

Hinimok ni Senador Juan Miguel Zubiri ang Palasyo at mga kapwa kaalyado na paigtingin ang pagpapaliwanag sa publiko ukol sa magiging pakinabang kapag naging federal system ang bansa.

Naniniwala ang senador na kapag naipaunawa sa publiko ang federalism, lalakas ang suporta ng publiko at ito ang magtutulak sa mga senador na sumang-ayon din.

Sinabi ito kasunod ng resulta ng Pulse Asia survey na nagsasaad na tutol sa pag-amyenda ng Konstitusyon para sa federalism ang 64 porsyento ng mga Filipino.

Ayon kay Zubiri, batay sa survey, bigo ang pagpapaliwanag sa ngayon ukol sa pagpapabago ng porma ng gobyerno.

“That means government must step up its propaganda on the benefits of shifting to a Federal system. Their methods of communicating this to the people have not been successful,” ani Zubiri

Kapag marami ang tutol dito, tiyak umanong mahihirapan itong makakuha ng boto mula sa mga senador kapag nasa kanilang harapan na ang pag amyenda sa Konstitusyon.

“It would also be difficult to convince my colleagues on this change if the majority of the people are against the shift especially since we need a 3/4 vote on amendments to the charter which translates to 18 votes, of which the Majority is only at 17,” paliwanag nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?