42

By

Proof-of-Parking Space Bill, inaaral ng Senado

Sharing is caring!

Bumuo ng technical working group ang Senate committee on Trade, Commerce, and Entrepreneurship para mabalangkas ang Senate Bill No. 201 na maglalayong magpakita muna ang mga may balak bumili ng sasakyan ng pruwebang may sarili silang parking para dito.

Ayon kay Senador Sherwin ‘Win’ Gatchalian’, na nag-akda ng panukalang batas, ang ‘Proof-of-Parking Space Act’ ay may maitutulong para maibsan ang tumitinding trapik sa mga kakalsadahan ng bansa.

Ang nasabi ring bill ay para rin umano maipatupad ang kultura ng responsible vehicle ownership para sa mga Pinoy.

“The concept really here is responsibility when you buy vehicles. We are now putting the responsibility on the car owners. If you buy cars, you have to make sure that you have a parking space for your own vehicle,” saad ng mambabatas sa public hearing ng panukalang batas.

“I think this is quite relevant at this time because, if you try to pass the side streets to avoid traffic in major thoroughfares, there is a greater chance that you’ll get stuck in traffic due to the cars parked along the narrow streets,” dagdag niya pa.

Ayon sa Land Transportation Office, 1,000 katao ang nagpapa-register ng kanilang mga sasakyan kada araw, at sa isang libong ‘yon, 600 ang puro bagong bili na kotse.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?