31

Apr 8, 2021 @ 19:38
By

Proof of life: Bong Go nakipag-selfie kay Duterte sa Malacañang

Nag-post ng selfie kasama si Pangulong Rodrigo Duterte si Senador Bong Go upang kontrahin ang mga haka-haka na mayroon itong sakit matapos kanselahin ang kanyang lingguhang “Talk to the People”.

Sabi ni Go, sariwa pa ang litrato at ngayong gabi (Abril 8) lamang kinunan sa Bahay Pagbabago, ang opisyal na tirahan ng Pangulo sa Malacañang Complex.

Magugunitang sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na bilang pag-iingat sa kalusugan ng Pangulo kinansela ang public address nito matapos maraming miyembro ng Presidential Security Group ang nagpositibo sa COVID-19.

Sa kabila nito, ayon kay Go, negatibo ang resulta ng huling swab test kay Duterte noong Holy Week kaya walang dapat ikabahala ang madla.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?