38

Sep 9, 2021 @ 18:46
By

Promotion ni Bacarro ‘di tinuloy ng CA

Hindi itinuloy ng Commission on Appointments (CA) nitong Miyerkoles ang pag-promote kay Major General Bartolome Bacarro kaugnay ang reklamo sa kanyang pagkakadawit sa hazing sa Philippine Military Academy (PMA) noong 2019.

Nakatakda sanang iangat bilang lieutenant general si Bacarro, isang three-star rank.

Kinontra ng pamilya ng yumaong hazing victim na si Darwin Dormitorio ang promotion ni Bacarro.

Si Bacarro PMA commandant ng mga cadet ng mangyari ang pagkakasawi ni Dormitorio sa hazing.

Kaya naman humarap sa CA committee on National Defense ang kapatid ni Darwin na si Dexter para iprotesta ang pag-angat ng ranggo ni Bacarro.

“Will we entrust Maj. Gen. Bacarro with the heavy responsibility of a 3-star general and the entire Southern Luzon when his track record shows that he failed miserably in PMA, an assignment considerably less difficult by military standards with a population only exceeding 1,000?” aniya.

“What Mr. Bacarro achieved 30 years ago does not remove the fact that a life was claimed from his ineptitude as a leader and decision-maker,” dagdag pa ni Darwin.

Habang naantala ang promotion ni Bacarro, natuloy naman ang kumpirmasyon ng CA sa ranggo ng 39 sundalo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?