773

Promoter ni Horn, naghamon ng rematch kay Pacquiao

Hinamon ng promoter ni dating World Boxing Organization (WBO) welterweight champion Jeff Horn sa isang rematch si World Boxing Association (WBA) welterweight champion Manny Pacquiao.

Sa panayam ng Fightnews.com kay Dean Lonergan, promoter ni Horn, kumpiyansa ito na muling mapapabagsak ng kanyang bata ang Pambansang Kamao.

“In his last five fights, Manny Pacquiao has only been beaten once, by Jeff Horn. Given Pacman’s last two fights, a destruction of Matthysse and an easy win over (Adrien) Broner,” wika ni Lonergan.

“Manny has shown he has plenty of gas left in the tank. It also shows that Jeff Horn didn’t beat an old Manny Pacquiao.”

Sinabi rin ni Lonergan na kailangan munang makatapat ni Pacquiao si Horn kung gusto aniya nitong muling makabakbakan ang dating American champ at undefeated na si Floyd Mayweather, Jr. na mas kapana-panabik na laban.

“[It] should be a requirement by Floyd, along with the boxing public and broadcaster, to give a possible MayPac 2 the credibility it needs to go big. Because right now that loss without being turned into a W stands in the way of a big payday for both fighters,” pagtatapos nito. (Fergus E. Josue, Jr.)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?