95

Nov 26, 2017 @ 15:51
By

Prolife groups naglunsad ng online petition vs contraceptives

Naglunsad ng online petition ang iba’t ibang prolife group para tutulan ang findings ng Food and Drug Administration (FDA) na nagsasabing ligtas at non-abortifacient o hindi nakapagdudulot ng pagkalaglag ng sanggol mula sa sinapupunan ang 51 contraceptives.

Kasama sa mga naglunsad ng online petition ang Prolife Philippines, Alliance for the Family (ALFI), Filipinos for Life at Doctor for Life.

Ang ALFI ang naghain sa Korte Suprema ng petisyon kaya pansamantalang napigil ang pamamahagi ng mga contraceptive na Implanon at Implanon NXT na kayang pumigil ng pagbubuntis ng hanggang tatlong taon.

Ayon sa mga online petitioner, dapat na mabaligtad ang findings ng FDA na tinawag nilang “unscientific and invalid approval” ng mga abortifacient.

“We reject the unscientific and invalid decision of the Food and Drug Administration to declare 51 contraceptive products to be non-abortifacient and the decision of the Department of Health to start the full distribution of these abortifacients. We demand that DOH and the FDA reverse their decisions,” ang nakasaad sa online petition na matatagpuan sa www.change.org.

Iginiit ng online petitioners na may matibay na “scientific evidence” na ang inaprubahang mga contraceptive ng FDA ay nakakaapekto sa “womb lining” ng ina.

“And so they prevent the implantation of the fertilized egg, the young human person, her child, unto her womb. This is plain and simple abortion,” ang bahagi ng online petition.

Dagdag pa ng nasabing mga grupo, binalewala ng FDA ang desisyon ng Korte Suprema na nagsasabing dapat matiyak ang due process bago bawiin ang temporary restraining order sa kinukuwestiyong contraceptives.

Wala raw kasing inilatag ang FDA na rules of procedure at hindi rin nabigyan ang ALFI na makompronta ang ebidensya na pinagbatayan ng ahensya sa evaluation nito ng mga contraceptives. (Maricel Diaz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?