77
sk-elections-
May 14, 2018 @ 18:02

Proklamasyon ng 1-libong SK bets, pinigil ng Comelec

Sinuspinde ng Commission on Elections (Comelec) ang proklamasyon ng ilang 1,000 nanalong kandidato sa Sangguniang Kabataan (SK) elections dahil umano sa paglabag sa anti-dynasty provision at paglagpas sa age requirement para maging SK officers.

Ayon kay Comelec acting chairperson Al Parreño, nirerebyu na rin ang nasa 4,000-5,000 kaparehong kaso.

Umaasa umano ang Comelec na mareresolba nila ang mga kaso sa Hunyo 30.

Dito anila ay malilinawan kung nanalo ba o kanselado ang isang SK bet at kung sino ang may pinakamalaking boto ang siyang uupo.

Nasa 335,584 SK positions umano ang paglalabanan ng may 386,206 kandidatong kabataan na nakarehistro sa Comelec.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?