5

Mar 13, 2021 @ 14:22
By

Projection ng OCTA Research na aakyat nang 4K COVID cases kada araw, posible

Kinatigan ng isang medical expert ang pahayag ng OCTA Research na inaasahang papalo ng hanggang apat na libo kada araw ang COVID cases sa huling linggo ng Marso.

Sa Laging Handa press briefing, sinabi ni Dr. Anna Lisa Ong-Lim ng DOH Technical Working Group na mukhang nagkakatotoo ang projection ng OCTA Research batay sa tumataas na kaso sa ilang lungsod gaya ng Quezon City, Manila, Pasay City at magung sa Cebu City.

” Unfortunately, mukhang yung kanilang modelling ay nagkakatotoo kasi nga nakikita natin eh. Mula pa noong February 15 pataas na ng pataas yung mga kaso,” ani Lim.

Katunayan ayon kay Lim ay nagbabala na noon pang nakalipas na mga linggo ang health sector at pinag-iingat ang publiko dahil sa pag-spike ng COVID cases.

“Nag-aalarma na ang health sector , sinasabi na mag-ingat tayo dumadami na ulit ang kaso huwag na tayo magpabaya , parami na yan and unfortunately nagkatotoo na nga,” dagdag ni Dr. Lim.

Matatandaang nitong Lunes ay muling nagpaalala si Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko na sundin ang basic health protocols partikular ang paggamit ng face mask, face shield at madalas na paghuhugas ng kamay para makaiwas sa peligro ng COVID-19.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?