82

Dec 22, 2017 @ 13:59

Progresibo at mapayapang bansa, wish ni Duterte ngayong Pasko

Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte ng progresibo at mapayapang bansa.

Sa kanyang Christmas message, sinabi ni Pangulong Duterte na wish niya ang isang ‘progressive and peaceful’ country.

“As we celebrate the year’s most festive and joyful season, I would like to greet all my fellow Filipinos a very Merry Christmas,” ani Duterte sa isang video message na in-upload ng Presidential Communications Operations Office sa kanilang Facebook.

Hiniling din nito sa kanyang mensahe ang dasal para sa mga nagbuwis ng buhay para ipaglaban ang bansa, sa nawalan ng bahay, mahal sa buhay sa giyera at sa malalayo sa kanilang pamilya sa selebrasyon ng Kapaskuhan.

“Let us show our true compassion and include them in our supplications during the Yuletide season. And as always, I wish (for) a progressive and peaceful country, and for the prosperity of our countrymen. Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon sa ating lahat,” pagtatapos nito.

Kasalukuyang nasa Davao City ang Pangulo para ipagdiwang ang Kapaskuhan kasama ang kanyang pamilya at mga kaibigan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?