58

Jun 16, 2020 @ 21:35

Programa sa mga balik OFW, asan? – Hontiveros

Paiimbestigahan ni Senadora Risa Hontiveros ang plano at programa ng gobyerno para sa mga overseas Filipino workers (OFWs) na nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 pandemic.

Sa Senate Resolution No. 445, sinabi ng senadora na tinatayang mahigit sa 300,000 OFWs ang inaasahang uuwi sa Pilipinas hanggang sa katapusan ng taong ito.

Binigyang-diin na na dapat magkaroon ang gobyerno ng long-term plan para sa hanay ng mga nagbabalik na OFW. (Dindo Matining)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?