30

By

Profiteering sa SSS, kakalkalin ng Kamara

Sharing is caring!

Nakahanda ang House Committee on Good Government and Public Accountability na imbestigahan ang umano’y pagpapayaman ng apat na opisyal ng Social Security System (SSS) sa pamamagitan ng stock trading.

Sa House Resolution 1434 na inihain ni Bayan Muna partylist Rep. Carlos Isagani Zarate, pinakikilos ang komite ni Surigao del Sur Johnny Pimentel para imbestigahan in aid of legislation ang posibleng conflict of interests at profiteering ng SSS officials.

“If the resolution filed by Congressman Carlos Zarate is referred to the committee, then we are duty-bound to look into the mess,” sabi ni Pimentel.

“We’ve always made it a point to act on every resolution and every privilege speech assigned to the committee,” dagdag ng kongresista.

Inihain ni Zarate ang resolusyon kasunod ng kasong “serious dishonesty and grave misconduct” na isinampa ni Commissioner Jose Gabriel “Pompee” La Viña laban kina Executive Vice President for Investments Rizaldy Capulong, Equities Investment Division chief Reginald Candelaria, Equities Product Development head Ernesto Francisco Jr. at Chief Actuary George Ongkeko Jr.

Sa alegasyon ni Laviña, ginamit nina Capulong at tatlong iba pa ang kanilang puwesto para kumita ang kanilang personal stocks imbes na gumawa ng investment para sa ikalalago ng pondo ng SSS.

Para kay Zarate, hindi makatuwiran ang planong pagtataas ng membership contribution ng SSS kung may ganitong mga kontrobersya sa ahensya. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?