37

Mar 1, 2021 @ 22:03
By

Produktong Pinoy kalat sa Australia

Mula sa isang dosena noong 2019, nasa 60 supermarket na sa Australia maaaring makabili ng mga produktong tatak Pilipino at madaragdagan pa ito sa susunod na tatlo hanggang limang taon.

Ayon sa Philippine Embassy sa Australia, maging sa mga istante ng pinakamalaking grocery store na Woolworths o Woolies ay makikita ang mga produktong gawa sa Pilipinas.

Kasunod ito ng mataas na demand nang ipatupad ang mga lockdown dahil sa coronavirus pandemic.

Kabilang sa available na mga Philippine-made product sa international food section ng Woolies ay mga Filipino sauce, suka, toyo, sitsirya, biskuwit, noodles, de-lata, fruit juice, banana chips at buko.

Dagdag ng embahada, mahigit 900 ang store ng Woolworths sa Australia.

75th Anniversary of PH-AU friendship with food, PH food now in 60 Woolies supermarkets

25 February 2021 (Canberra) –…

Posted by Philippine Embassy in Australia on Sunday, February 28, 2021

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?