7
sylvia
By

Producer naiyak sa akting ni Sylvia

Sharing is caring!

Hindi napigilan ni Roselle Monteverde ang umiyak nang panoorin ang rough copy ng coming Regal movie na Mama’s Girl. Panay ang singhot niya habang pinapanood ang Sylvia Sanchez starrer.

Sanay nang makapanood ng drama movies si Roselle pero ngayon lang daw tumagos sa puso niya ang kuwento ng MG. Sumaludo siya sa galing ni Sylvia at bumilib din siya sa millennial cast na sina Sofia Andres, Diego Loyzaga, Jameson Blake at iba pa.

Eh, ang ganda rin kasi ng feedback ng mga tao sa trailer ng movie na matapos ilabas ay humamig na ito ng 3.5 million views. Binigyan din ng PG rating ng MTRCB ang movie kamakailan kaya naman masaya si Roselle.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?