19

By

Procurement process bibilis sa emergency powers – Tolentino

Mapapabilis diumano ang procurement process sa oras na mabigyan ng emergency powers si Pangulong Rodrigo Duterte para masolusyunan ang krisis sa trapiko sa Metro Manila at ilang urbanisadong lugar sa bansa.

Ayon kay Senador Francis Tolentino, sa ilalim ng kanyang Senate Bill 213, nakapaloob doon na mapapabilis ang mga proseso at mga proyektong may kinalaman para maresolba ang trapik sa bansa sa oras na pagkalooban ng emergency powers ang pangulo.

“Yyung normal course of things niyan ay aabutin yan ng limang taon bago makarating ng NEDA Board approval yan. Ito ngayon ay mapapabilis,” pahayag ni Tolentino sa panayam sa dzBB kahapon.

“Sa bidding, nandun pa rin yung proseso pero hindi na ganun ka-rigorous. Pero subject pa rin sa Commission on Audit rules and regulations para ma-expedite,” dagdag pa nito.

Sa ilalim ng panukala ni Tolentino, layon nito ng bigyan ng emergency powers ng dalawang si Pangulong Duterte para matugunan ang problema sa trapik sa Metro Manila, Cebu, Davao City, Cagayan de Oro at iba pang mga urbanisadong lungsod sa bansa.

Nakasaad din sa kanyang panukalang tungkol sa pagsasaayos ng ng iskedyul ng oras ng klase at trabaho.

“Kasama na rin yung pagbabago ng schedule ng classes, ng pagpasok sa trabaho, pribado man o pampubliko, pagkakaroon ng flexible working hours. Kasama yun sa pag-aamyenda,” ani Tolentino

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?