185

Mar 18, 2019 @ 11:49
By

Proclamation rally ng Hugpong binulabog ng brownout

Bahagyang naantala ang kick-off rally ng Hugpong ng Pagbabago (HNP) sa Kabisayaan nitong Lunes dahil sa hindi inaasahang pagkawala ng suplay ng kuryente sa bayan ng Catarman sa Lalawigan ng Northern Samar.

Bandang alas-nuwebe ng umaga ng biglang mag-brownout sa loob ng University of Eastern Philippines (UEP) auditorium kung saan ginanap ang nasabing proclamation rally na dinaluhan ni Davao City Mayor Sara Duterte at ng ilan sa mga senatoriables na sinusuportahan ng kanyang partido.

Nasa kalagitnaan ng isang cultural show presentation ng mawalan ng kuryente sa loob ng UEP auditorium.

Bago ang nasabing insidente, binanggit ni Aangat Tayo Partylist Rep. Neil Abayon sa entablado ang mga posibleng solusyon sa kinakaharap ng Northern Samar Electric Cooperative (NORSAMELCO).

Posibleng tuluyang maputulan ng kuryente ang buong Northern Samar dahil daang-milyong utang ng NORSAMELCO.

Ayon kay Abayon, aabot na nasa higit na P600 milyon ang utang ng NORSAMELCO, kung saan sa Power Sector Assets and Liabilities Management Corp. (PSALM), P36 milyon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), at mahigit sa P2 milyon sa National Power Corporations (NAPOCOR).

Meron din hindi bababa sa P38-milyong utang NORSAMELCO sa Bureau of Internal Revenue (BIR).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?