8

May 5, 2021 @ 10:18
By

Problemado sa audio! Mga Katoliko hirap sa online mass

Nakita sa isang survey na nahihirapan ang mga Katoliko sa live stream ng misa dahil sa sound system.

Base sa Veritas Truth Survey (VTS) na isinagawa mula March 31 hanggang April 30, aabot sa 27 percent ng respondent ang nagsabing kailangang maayos ang sound system sa mga online mass.

24 percent naman ang nagsabing kailangang ma-improve ang choir at mga kanta sa misa, habang 20 percent naman ang nakukulangan sa church ambiance at homily.

Ito’y base sa karanasan ng 1,200 respondent, at ginawa ang survey sa pamamagitan ng text at online data gathering.

“It is a way for us to fully understand the richness of our faith, and to fully utilize these survey results to help in the ongoing evangelization thrust of the Philippine Catholic church,” ayon kay Radio Veritas President Rev. Fr. Anton Pascual.

Nagsimula ang pag-usbong ng mga online mass buhat nang tamaan ang bansa ng COVID-19 pandemic.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?