By

Problema sa presyo ng bigas, mananatili dahil kay Aquino – Kiko

Sharing is caring!

Duda si opposition Senator Kiko Pangilinan na mareresolba na ang isyu sa presyo at suplay ng bigas.

Ito ay sa pagpapanatili sa puwesto kay National Food Authority (NFA) administrator Jason Aquino habang sinibak naman bilang chairman ng NFA Council si Secretary to the Cabinet Jun Evasco.

Ayon kay Pangilinan, lalo pang mananatiling mismanaged ang NFA na patuloy umano na magpapataas sa presyo ng bigas at magpapahirap sa taumbayan.

Pinuna na inalis si Evasco na may malinis na track record at nagpapaimbestiga ng mga ilegal na gawain sa NFA habang hindi naman aniya tinatanggal bagkus kinakampihan pa ang kurakot sa ahensya.

Tanong ni Pangilinan, kung nasaan ang sinseridad ng gobyerno na habulin ang tiwali kung hindi pinapanigan ang mga naglilinis ng ahensya.

“Bakit ‘yung may track record na malinis at nagpaimbestiga ng mga ilegal na gawain sa NFA ang tinanggal habang ang kurakot ang kinakampihan?” tanong ni Pangilinan.

Sa pangangasiwa ni Aquino sa NFA, natuyuan ang ahensya ng imbak na bigas.

Tinanggal din umano ni Aquino mula sa mga pantalan ang mga tauhan ng NFA na bantay laban sa smuggling.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?