138
Taxi operator iniwan ng Misis, nagbigti
Aug 17, 2019 @ 19:35
By

Problema sa pera nilutas sa pagbibigti ng jeepney driver

Winakasan ng isang jeepney driver ang kaniyang buhay matapos makipag-argumento sa kaniyang misis dahil sa financial problem sa Quezon City.

Kinilala ni P/Lt. Nick Fontanilla ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District ang biktima na si Elizalde Flores Mayco Jr., 21, jeepney driver, ng Banlat Road, Brgy. Tandang Sora, QC.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ni Patrolman Julius Vinasoy, alas-singko ng hapon (Agosto 15) nang matagpuan ang nakabigting katawan ng biktima ng kaniyang misis na si Rose Ann sa loob ng kanilang silid.

Una rito, nagkaroon umano ng argumento ang mag-asawa dahil sa problema sa pera at pagkatapos ay nagpaalam ang biktima saka pumasok sa kanilang silid.

Makalipas ang ilang oras, pumasok sa silid ang ginang upang kausapin muli ang kaniyang asawa subalit laking gulat nito nang makitang nakabigti ng garment belt ang kaniyang mister.

Agad na humingi ng saklolo si Rose Ann sa kaniyang mga magulang at kapitbahay at nang matanggal sa pagkakabigti ang biktima ay isinugod ito sa Quezon City General Hospital subalit binawian din ito ng buhay bandang alas-5:45 ng hapon, ayon kay Dr. Bryan Hernandez.

Tumanggi nang paimbestigahan pa ng pamilya ng biktima ang nangyaring insidente dahil naniniwala umano sila na sadyang nagpakamatay ang jeepney driver.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?