42

By

Problema sa pagkuha ng passport, hindi pa rin maayos ng DFA – Palasyo

Sharing is caring!

Ipinarating na sa Malacanang ang hindi malutas-lutas na problema sa pagkuha ng pasaporte sa Department of Foreign Affairs.

Kasunod ito ng ulat na mahirap kumuha ng online appointment sa DFA na kalimitang sarado na o walang slot subalit kapag nag-check sa mga private agencies ay makakakuha ng slot subalit may kapalit na bayad at pagdating sa DFA office ay magbibigay na naman umano ng panibagong bayad sa passport fee.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, ipaparating niya sa DFA ang concern ng mga aplikante para agad na maaksiyonan ito.

“Ipararating ko po ‘to sa Department of Foreign Affairs ‘no, dahil hindi ko po alam kung alam nila na nadodoble ang bayaran ‘no. So ipararating ko po ‘to kay Secretary of Foreign Affairs, but I don’t know enough of the facts here and I think the DFA would be the better position to address this,” ani Roque.

Pero sinabi ng kalihim na sa pagkaalam nito ay may mga ginagawa ng hakbang ang DFA para mapabilis ang pagkuha ng appointment gaya ng passport caravan para hindi na kailangan pang magtungo sa mismong tanggapan ng DFA.

“Ang alam ko po marami na ring hakbang na ginawa ang DFA para mapabilis iyong pagkuha ng appointment. Nandiyan na po iyong mga caravans at ang alam ko po nagkaroon na rin sila ng initiatives, para mas lalo pang mapabuti iyong kanilang online appointment system,” dagdag pa ni Roque.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?