86
gary-alejano
Nov 1, 2018 @ 21:22
By

Problema sa Customs, hindi madadala sa intimidation – Alejano

Inirekomenda ni Magdalo Party-list Rep. Gary Alejano ang pagbuo ng isang komisyon na mag-aaral ng pangmatagalang solusyon sa mga problema sa Bureau of Customs (BOC).

Katuwiran ni Alejano, maraming mga factor ang nakaaapekto sa operasyon ng BOC.

Hindi rin anya masosolusyunan ng pananakot at intimadation lamang ang talamak na katiwalian sa ahensya.

“BOC is not operating in a vacuum. It is also being affected by other external factors like the prevailing political and justice systems in the country,” ani Alejano.

Giitin pa ng kongresista, “Other reforms must be undertaken hand in hand with reforms in BOC. The problems in the BOC cannot be solved through fear and intimidation.”

Hindi sang-ayon si Alejano sa pagsasailalim ng Customs sa kontrol ng militar.

Bukod sa labag anya ito sa Konstitusyon, malayo na rin sa mandato ng Armed Forces of the Philippines.

“The mandate of the AFP should be focused on territorial defense. Maski nga dito ay may kakulangan sa pwersa ang ating militar. Our military has limited forces and it is being overstretched with additional burden outside of its official functions such as taking over the BOC,” sabi ni Alejano.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?