By

Problema sa BOC, ilalatag kay Lapeña

Sharing is caring!

Nagkaisa ang samahan ng Customs Brokers, Bureau of Customs (BOC) Employees Association at Stakeholders, upang ilatag kay BOC Commissioner Isidro Lapeña ang tunay na problema sa ahensiya.

Ayon kay Rey Soliman, magtitipon-tipon sila ngayong umaga sa Gate 3 ng Port of Manila, Port Area, Manila upang ipanawagan na ang Non-Sectioning ay hindi umano sagot sa korapsyon at smuggling bagkus ay nagdudulot lamang umano ito ng mga workload, hindi pantay na pamamahagi sa assessment personnel at nagpapabagal sa trabaho at maayos na serbisyo sa publiko.

Dagdag pa ni Soliman, ang naturang pamamaraan ay hindi matiyak kung tama ang pagsusuri sa mga uri at halaga ng mga produktong galing sa ibang bansa.

Giit din nito ang pagiging eksperto at karanasan sa kanilang trabaho ay naisasakripisyo at nababalewala lamang at ang pagkaantala ay nagiging dahilan ng pagtaas ng halaga ng mga binabayaran, kaya’t ang mga Filipino ang nahihirapan sa pagtaas ng presyo ng mga produkto na nanggagaling sa ibang bansa.

Dagdag nito, na ang mabagal at hadlang sa kalakaran ang tunay na isyu na dapat ipatupad ang tamang halaga at tanggalin na ang bench marking sa ahensiya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?