13

By

Problema sa bigas posible pang lumala dahil sa ‘Ompong’

Sharing is caring!

Sinabi ni Agriculture Secretary Emmanuel Piñol na sa pananalasa ng bagyong Ompong ay posibleng maapektuhan ang higit 1.2 milyong ektarya ng taniman ng palay at mais.

Aminado si Piñol na makakaapekto pa ito ng husto sa suplay at presyo ng bigas sa bansa.

Sa pagtataya pa ng kalihim, ang pinakamababang halaga ng pinsala na maaring abutin sa palay ay P3.6 bilyon.

Hindi nito itinanggi na ang pinsala ay maaring umabot sa halos P8 bilyon.

Sa pagtataya pa ng kagawaran ito ay nangangahulugan na 74,000 hanggang 176,000 metriko tonelada ng palay ang mapipinsala ng bagyo.

Sa pinsala naman sa mais sinabi ni Pinol na ang halaga ng pinsala ay mula P2.7 bilyon hanggang P3.1 bilyon. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?