39

Jun 21, 2020 @ 10:58
By

‘Problema ng guro sa internet bawal ilabas’

Winarningan diumano ang isang public school teacher ng kanyang bisor laban sa pagpo-post sa social media ng alinmang problema tungkol sa kahirapan sa internet access.

Matatandaang naging viral ang larawan ng ilang guro sa Maco, Davao de Oro na nagtayo ng mga tent sa gilid ng kalsada, makahanap lang ng matinong internet signal.

Meron namang Mathematics teacher mula sa Ilocos Sur na umakyat pa ng bundok, makasagap lang ng malakas na signal para sa kanyang pocket Wi-Fi, upang mai-enroll isa-isa ang kanyang mga mag-aaral na walang internet.

Sa isang thread, kinwento ng isang Reddit user ang pagtataka ng kanya umanong kaibigang pampublikong guro nang mabasa ang pahayag ng supervisor nito.

“[N]agmessage sa kanila yung supervisor nila not to post anything na may problem sila sa internet connection. No photos na nagpapakita na sa bundok sila looking for signals, or show videos na kulang sila sa gamit. No comments on having problems with slow internet kaya nahihirapan sa online enrolment. Baka ma headline sa TV at radio.”

“My friend says that they are surprised with the instructions from their Supervisor, seems like DEPED wants to hide the reality especially in Provinces.. she thinks that maybe a memo came from the head office and instructed the Supervisors to pass the warning to the teachers,” lahad pa nito.

Tinutulak ngayon ng DepEd ang blended learning bilang pag-iingat sa lalong pagkalat ng COVID-19 sa bansa. Nakatakdang magsimula ang mga klase sa Agosto 24.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?