516

Nov 20, 2021 @ 18:02
By

Problema ang gumising! Duterte ‘di swak sa Senado – Trillanes

Duda si dating senador Antonio Trillanes IV na magiging epektibo bilang senador si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa isang Facebook post ng page na Pinoy Ako Blog na naka-share sa mismong account ni Trillanes, ibinahagi ng dating mambabatas ang sagot niya sa isang panayam nang tanungin kung magiging epektibo bang mambabatas si Duterte.

“I seriously doubt it. First and foremost, he would have to attend sessions. And that’s going to be a big ask for Mr. Duterte to do because right now even as president, he is practically dragging himself out of bed just to appear in his weekly talkshow,” saad ni Trillanes sa naturang panayam.

“He can’t do that as senator. Because he would have to be there in the afternoon during probably his siesta time, and he would have to proactively engage in debates and sponsorships. Otherwise he would be just a mere decoration there in the senate,” dugtong pa nito.

Matatandaang humabol ang pangulo sa huling araw ng substitution noong Nobyembre 15 para tumakbong senador sa 2022.

Kaya naman isa sa makakaharap niya si Trillanes, na isa sa kanyang mga kritiko.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?