21

Feb 18, 2021 @ 11:20
By

Pro-Duterte tarps walang paglabag – Comelec

Wala umanong mali sa mga nakapaskil na poster ng mga posibleng kandidato sa eleksiyon 2022 dahil hindi pa panahon ng halalan.

Gayunman, sinabi ni Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon na muli niyang bibisitahin ang election rules, matapos maglitawan ng “Run, Sara, Run” tarpaulin sa Davao City at Metro Manila kamakailan.

Hinihikayat nitong tarps na tumakbo sa pagkapangulo si presidential daughter Davao City Mayor Sara Duterte sa susunod na botohan.

“Advertisements or posters of potential candidates are not violations because it is not election period. Will revisit the rules @COMELEC,” tweet ni Guanzon.

Samantala, sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez na kahit pa tinutulak nitong mga tarp ang pagkapanalo ng isang posibleng tatakbo, “hindi ito aabot” sa ligal na kahulugan ng pangangampanya, kaya hindi ito maituturing na paglabag.

“Those tarpaulins do seek to promote the electoral win of Mayor Duterte, but she herself isn’t a candidate yet. This means that although many would consider it a form of campaigning, it would actually fall short of the legal definition of campaigning, let alone premature campaigning,” ani Jimenez sa mga reporter.

“Therefore, there appears to be no violation of election laws or campaign rules. Anyone, in fact, can do the same thing,” dagdag niya.

Ang campaign period para sa mga national position sa halalan 2022 ay mula Pebrero 8 hanggang Mayo 7, 2022.

Mangyayari naman ang susunod na botohan sa bansa sa Mayo 9, 2022.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?