78

By

Pro-basketball league na pambabae, sigaw ng mga netizen

Unti-unti nang nakikilala ang women’s basketball sa Pilipinas, lalo na nang magkampeon ang 3×3 team at 5-on-5 women’s team sa 30th Southeast Asian Games.

Dahil dito’y umangat ang usapin kung pwedeng gumawa ng pro-league para sa mga babaeng manlalaro sa ‘Pinas.

“We’ve been dreaming of that since Day One that we handled the national team, na sana we make it great for women,” ayon kay Gilas Women’s coach Pat Aquino.

Kaya naman naging masaya si Aquino na makita ang full-packed crowd sa loob ng Mall of Asia Arena na suportado ang women’s basketball, na hiling niya ay sana’y hindi lang niya makita tuwing SEA Games.

“Sana. Lagi na lang puro kami sana. And now that we’re here, we achieved the goals that we’re supposed to do, and sana, for me, I want to keep it growing,”

Dahil dito ay hiling ni Aquino na maging malaki ang local basketball scene para sa mga babae sa bansa, na sinegundahan naman sa social media.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?