7

Jul 23, 2020 @ 13:52
By

Privacy rights `di puwede sa kaso ni Jaybee Sebastian

Nanindigan si National Privacy Commission (NPC) Commissioner Raymund Liboro na hindi ubra sa kaso ng high profile inmate na katulad ni Jaybee Sebastian na igiit ang right to privacy ng mga kaanak nito dahil mayroong public interest na nakataya sa usaping ito.

“Legitimate heirs of a deceased person can assert privacy rights. But in the issue of the high profile inmates, the issue of public concern is taken into account,” ayon kay Liboro.

Sinabi na Liboro na hindi applicable ang Data Privacy Act sa pagkamatay ni Sebastian.

Inihayag ito ni Liboro matapos tumanggi si Bureau of Corrections (BuCor) chief Gerald Bantag na kumpirmahin ang pagkamatay ni Sebastian dahil sa nabanggit na batas

“The Data Privacy Act is not a cloak for denying the public’s right to know. High-profile inmates like JB (sic) Sebastian had become public figures on account of their previous association with particular national issues in the past,” giit ni Liboro.

Dapat aniyang intindihin na ang pagkamatay ni Sebastian ay isang “public interest” dahil nauugnay ito sa isyung may alam ang publiko.

Sinang-ayunan naman ni Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra ang pahayag ni Liboro dahil si Sebastian ay nakatakdang tumestigo laban kay dating Senador Leila de Lima na sinasangkot sa illegal drug trade sa New Bilibid Prisons.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?