100

By

Prinsipe ni Vice inaabangan ng mga fan

Habang may mga nagtsitsikang malamang na makasama si Maine Mendoza sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2018 official entry nina Vic Sotto at Coco Martin, patuloy namang pinananabik ni Vice Ganda ang kanyang mga fan kung sino nga ba ang gaganap na ‘The Prince’ sa MMFF 2018 entry niya na ‘Fantastika, The Princesses, The Prince, The Perya.’

Hindi pa rin kasi talaga nila ibinubuking kung sino ang aktor na lalabas sa papel na ‘yon. Pero sabi naman ng isang taga-Star Cinema na nakatsikahan ko, for sure raw, next week ay malalaman na kung sino ang aktor na ‘yon, huh!

Sa ngayon, hanggang guess muna ang puwedeng gawin ng mga excited na sa ‘Fantastika, The Princesses, The Prince, The Perya’ MMFF 2018 ni Vice na ngayon pa nga lang ay hinuhulaang mangunguna na naman sa takilya!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?