35

Jun 4, 2020 @ 18:08
By

Prinsipe ng Belgium naki-party sa Spain, nahawaan ng COVID-19

Humingi ng paumanhin si Belgian Prince Joachim matapos niyang sumuway sa quarantine at dumalo sa isang party sa Spain.

Dalawang araw, Mayo 26 matapos ng party sa Córdoba, Spain, nagpositibo siya sa COVID-19, ayon sa ulat ng CNN.

Si Prince Joachim, 28, ay pamangkin ni King Philippe ng Belgium.

“I would like to apologize for travelling and not having respected the quarantine measures. I did not intend to offend or disrespect anyone in these very difficult times and deeply regret my actions and accept the consequences,” pahayag ng prinsipe sa statement na inilabas ng Córdoba law office of Mariano Aguayo.

Bumiyahe mula Belgium patungong Spain si Prince Joachim noong Mayo 24 para dumalo sa party ng pamilya ng kaibigan niyang babae.

Nasa 12 hanggang 27 umano ang bisita sa naturang party.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?