426

Prinsipe nag-utos na patayin ang isang mamamahayag

Sharing is caring!

Ibinunyag ng Central Intelligence Agency (CIA) na ang Prinsipe ng Saudi Arabia ang nasa likod sa pag-uutos na patayin ang mamamahayag na si Jamal Khashoggi.

Ang 59 taong gulang na si Khashoggi, kilala bilang kritiko ng prinsipe ay pinatay at kinatay sa Istanbul noong ika-2 Oktubre.

Ayon sa CIA, iniutos ni Mohammed bin Salman na ganapin ang krimen sa Istanbul. Pinatunayan ng isang diyaryo sa Turkey ang pagiging sangkot ng prinsipe sa krimen at sinabing mayroong voice recording na umaabot ng 15 minutos na nagpapakitang ang pagpatay sa mamamahayag ay planado.

Taliwas sa imbestigasyon ng CIA, sinabi ng Saudi prosecutor na ang orihinal na iniutos sa ‘hit squad’ ay pilitin si Khashoggi na bumalik sa Saudi Arabia at kung tumanggi ay kailangang dakipin.

Nahaharap sa death penalty ang lima

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?