36

Jan 9, 2022 @ 8:31
By

Prinsesa ng Sweden hindi nakaligtas sa Covid 19

Nagpositibo sa COVID-19 ang Swedish Crown Princess na si Victoria, ayon sa Royal Court nitong Sabado.

Sinabi ng Royal Court na naka-isolate na ang tagapagmana ng trono kasama ang kaniya pamilya.

Nakararanas din umano ang prinsesa ng mild symptoms kagaya ng sintomas ng sipon ngunit mabuti naman ang pakiramdam nito.

“The crown princess, who is fully vaccinated, is experiencing cold symptoms but is otherwise feeling well,” pahayag ng Royal Court.

Kamakailan lang, nagpositibo rin sa Coronavirus ang hari at reyna ng Sweden dahil sa tumataas na namang bilang ng mga nagkakasakit dahil sa Omicron variant.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?