489

Mar 5, 2019 @ 10:25

Pringle, Tautuaa lagot din sa GAB

Kahit napatawag na sa Philippine Basketball Association commissioner’s office noong Peb. 26 saktong sang linggo makaraan ang umbagan, maaring ‘di pa tapos ang kaparusahan para kina NorthPort Fil-foreign players Stanley Pringle at Moala Tautuaa sa pananakit kay Columbian center Jay-R Reyes.

Nagpang-abot ang tatlo noong Feb. 19 tune-up game ng Batang Pier at Dyip sa Greenmeadows Clubhouse sa Quezon City at napatawan na si Pringle ng 1-game suspension at P75,000 fine sa pambubukol sa ulo at pagpapadugo sa ilong ni Reyes.

Nireklamo pa ni Columbian big man ang dalawa kay Games and Amusement Board chairman Abraham Mitra kaya nakatakdang ipatawag sila sa isang itatakdang pulong upang malaman ang gusot na nauwi sa sakitan, at kinadehado ng una sa huli.

Babalik-laro na si Pringle sa kanyang team sa Biyernes, Mar. 6 sa Smart Araneta Coliseum dahil nagamit na niya ang suspensyon nitong Miyerkoles, Peb. 27 sa 98-96 loss ng team niya sa Phoenix Pulse.

Hindi pa umaaksiyon si Reyes sa nakaraang dalawang laban ng kanyang team dahil naman sa abiso ng doktor na magpahinga dahil sa tama sa ulo at ilong.

Pinagmulta lang ni pre league commissioner Willie Marcial ng minimal na halaga si Tautuaa dahil sa second motion.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?