57

By

Pringle namumuro, Fajardo naungusan sa MVP race

Sharing is caring!

Mapuputol na kaya ang paghahari ni four-time PBA MVP June Mar Fajardo sa top individual plum ng prestihiyosong liga?

Matapos mabangko ng matagal dahil sa injury sa PBA Governors Cup, nahabol na si Fajardo ng NorthPort scorer na si Stanley Pringle pagdating sa statistical points.

Si Pringle, ang 2015 Rookie of the Year awardee, ay nakakolekta na ng 35.5 points, upang ibaba si Fajardo sa ikalawang puwesto na may 33.2 SP.

11.00 SP lang ang naharbat ni Fajardo sa panapos na conference kaya’t malaki ang ibinaba ng kanyang overall points.

Puwesto naman sa pangatlo ang Ginebra forward na si Japeth Aguilar tangan ang 32.9 SP, ang kampi naman ni Pringle na si Sean Anthony ay nasa ikaapat hawak ang 31.3 at kinumpleto ni Ginebra player ring si Scottie Thompson ang top five na bumulsa ng 30.8.

Dahil dito, si Thompson din ang napipisil na maging Most Improved Player ngayong season.

Ang iba pang kasali sa top 10 ay sina Matthew Wright ng Phoenix (30.6), sunod ay ang tatlong mula SMB na sina Alex Cabagnot (30.2), Arwind Santos (30.0), at Marcio Lassiter (29.9) at ‘The Muscle Man’ ng Alaska Aces na si Vic Manuel (29.0).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?