34

By

Pringle ganado kapag maingay

Laro ngayon: (MOA Arena)

8:00pm — Gilas vs. Vietnam

Pinaghugutan ni Stanley Pringle ng inspirasyon ang maingay na crowd sa MOA Arena Miyerkoles ng gabi para paglagablabin agad ang kampanya ng Gilas Pilipinas sa men’s basketball ng SEA Games.

Mula sa warmups, sa introductions ng players hanggang opening tipoff, walang tigil ang hiyawan ng hometown crowd na nagpa-kulay blue sa venue.

At mula sa get-go, pumped agad si Pringle.

Siya ang bumutas sa unang anim na puntos ng Nationals para ihulma ang dambuhalang 110-58 win laban sa Singapore.

“Definitely, the crowd is great,” ani Pringle pagkatapos. “We had a packed stadium tonight, so we just wanted to play as hard as we can, focus on execution and give back to the crowd.”

Pagkatapos ng first quarter ay may 11 points na agad si Pringle na sinandalan ng Nationals sa 30-13 lead papasok ng second.

Tumapos ang Ginebra slasher ng 14 points mula perpektong 5 of 5 shooting, tatlo rito mula 3-point country, may 5 assists kahit nasa bench na sa loob ng 32 minutes.

Malaki ang inaasahan sa all-pro Gilas squad sa biennial Games, pero ayaw magpa-pressure ng Nationals.

“We’re just trying to play as hard as we can for the country, represent the country, the motherland,” giit ni Pringle. “We’re gonna leave it out on the floor.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?