ABANTE stanley pringle globalport

Pringle binitbit ang GlobalPort para sa unang panalo vs RoS

Sharing is caring!

Binalikat ni Stanley Pringle ang GlobalPort sa kanyang natipong 29 puntos at siyam na rebounds para maitala ang kanilang unang panalo kontra Rain or Shine 78-70 kanina sa Smart Araneta Coliseum.

Nagtala ang dating Rookie of the Year ng 20 sa first half mula sa 5-of-10 shooting mula sa rainbow territory para mapigil ang dalawang sunod na talo ng Batang Pier skid.

Nag-ambag si Kelly Nabong ng 12 puntos at 13 rebounds habang si Bradwyn Guinto ay may 10 puntos at siyam na rebounds.

Mula sa 29 puntos sa laban sa Ginebra, nagdiyeta si Sean Anthony sa tatlong puntos subalit may 13 rebounds at 12 assists.

Nanguna naman sa RoS sina Gabe Norwood na may 15 puntos at 13 naman kay Mark Borboran.

Scores:

GLOBALPORT 78 – Pringle 29, Nabong 12, Guinto 10, Grey 8, Sargent 8, Gabayni 4, Anthony 3, Flores 2, Elorde 2, Arana 0, Juico 0, Taha 0.

RAIN OR SHINE 70 – Norwood 15, Borboran 13, Ahanmisi 10, Belga 8, Nambatac 6, Yap 5, Ponferrada 3, Daquioag 3, Trollano 3, Almazan 2, Maiquez 2,

Quarters: 19-18, 41-35, 58-56, 78-70.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?