39

By

Pringle abante sa MVP race; Perkins palaban sa rookie plum

Humahadlang para mahablot ni June Mar Fajardo ang ika-lima niyang MVP award si NorthPort scorer Stanley Pringle.

Ito’y matapos manguna sa stats si Pringle sa naitalang 35.5 points.

Abante siya kay Fajardo na mayroon lamang 33.1 SPs sa pagwawakas ng 43rd season ng PBA.

Sinundan sila ni Japeth Aguilar ng Ginebra sa 32.3 at Sean Anthony ng NorthPort sa 31.3.

Pero kahit naiiwan sa puntos ni Pringle, solido pa ring contender sa MVP plum si Fajardo matapos nitong masungkit ang Best Player of the Conference awards sa Philippine Cup at Commissioner’s Cup.

Samantala, nanguna sa listahan para sa Rookie of the Year award si Phoenix forward Jason Perkins.

Milya ang lamang ni Perkins (32.2 SPs) sa sumunod sa kanyang si Jeron Teng na nakapagtala ng 18.7.

Hindi naman pumasok sa listahan sina Christian Standhardinger at Kiefer Ravena dahil kinapos sila sa required na bilang ng nilaro sa isang season.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?