24

Jan 9, 2021 @ 13:20
By

Principal ligtas sa pamamaril, ginawang shield phone

Nakaligtas sa pamamaril ang principal ng Luna National High School matapos tumama ang bala sa kanyang cellphone at hindi sa katawan niya.

Kinilala ang biktima bilang si Apolos Beltran ng Bgy. Mabantao Kapalong Davao del Norte.

Ayon sa ulat, nagmamaneho ng sasakyan si Beltran bandang Clemanta Maniki Kapalong nang biglang may dumating na riding in tandem at binaril ang biktima.

Agad namang tinulungan si Beltran at dinala sa pagamutan ng mga nakakita.

Ayon sa awtoridad, masuwerte si Beltran na sugat lang sa tenga ang inabot niya sa pamamaril.

Kasalukuyan namang tinutugis ng kapulisan ang mga suspek at ang motibo nito sa pamamaril.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?