9

Sep 12, 2020 @ 18:26
By

Princess Leonor ng Spain naka-quarantine

Inilagay sa quarantine si Princess Leonor, ang tagapagmana ng Spanish throne, matapos isang kaklase niya ang ma-test na positibo sa COVID-19.

Isasailalim ang 14-anyos na anak ni King Felipe sa coronavirus test sa Santa Maria de los Rosales school Madrid, ayon sa ulat ng The Standard nitong Sabado.

Walong milyong batang Spanish ang nagbalik eskuwela na noong nakaraang linggo pero ilang paaralan ang nagsara matapos magpositibo sa COVID-19 ang ilang mag-aaral.

As of Sept. 11 ay 566,326 na ang naitalang coronavirus infections sa Spain, pinakamataas sa western Europe.

Umakyat din sa 29,747 ang kanilang death toll.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?